DCRJ's PINOY BISCUITS Channel
Moymoy Palaboy & Roadfill with an appearance of Pinoy Biscuit Blogger DCRJ (Dr. Dan C. Rivera, Jr.) in the music video 'Rugby Boy'
Showing posts with label Manny Pacquiao's KUMBINASYON. Show all posts
Showing posts with label Manny Pacquiao's KUMBINASYON. Show all posts

Thursday, January 28, 2010

MANNY PACQUIAO's Kumbinasyon Column: My 15 Years in Boxing

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao



Ika-15 Taon sa Boksing

PhilBoxing.com
28 Jan 2010




LOS ANGELES — Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay, kababayan, fans at mga nagmamahal sa sport na boksing. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na ngayon ay abala ulit sa paghahanda sa susunod na laban.

Sa Marso 13, sa kalagitnaan ng America, sa malawak na Cowboys Stadium sa Arlington, Texas, haharapin ko at dedepensahan ang korona ng World Boxing Organization welterweight division kontra sa matibay, malaki at malakas na Afrikano mula sa Ghana na si Joshua Clottey.

Habang naghahanda kami kasama ang aking koponan dito sa Los Angeles, California, laban sa hamon ni Clottey, ang boksingerong hindi pa napapasuko ng sinumang nakalaban niya simula’t-sapul nang siya ay lumaban, ginugunita ko naman ang ika-15 taong anibersaryo ng aking pagiging isang professional boxer na sa aking pakiramdam ay parang kahapon lamang.

Opo, sobrang bilis ng panahon at napakatagal ko na palang lumalaban sa ibabaw ng ring at kung tutuusin ay tumanda na ako bilang isang estudyante ng sport na ito. Sa loob ng ganitong kahabang panahon, natutunan ko na halos lahat ng mga bagay na dapat malaman at sa ngayon ay malugod akong nakatayo bilang pangunahing ambassador ng sport na ito.

Noong January 22, 1995, sa malayong lupalop ng Mindoro Occidental ako po ay nagsimulang lumaban bilang isang 16-taong-gulang na binata at kinailangan ko pang hingiin ang pahintulot ng aking nanay upang ako ay payagang lumaban dahil sa ako ay isang menor-de-edad.

Sa paglipas ng 15 taon, nakamit ko na ang halos lahat ng mga biyayang hindi ko inaasahang makakamit ko nang magsimula akong maging isang professional fighter. Hindi ko lubos maisip na sa tagal ng panahon, magiging No. 1 pound-for-pound best fighter ako na kinikilala sa buong mundo. Ni sa mga panaginip noong ako ay bata pa, hindi man lang sumagi sa aking isip na mapapanalunan ko ang pitong world titles sa pitong magkakaibang weight division at makakaharap ko ang mga higanteng noong bata ako ay minsan kong inidolo.

Kung kinailangan kong maglagay ng pampabigat sa aking mga bulsa upang makuha ko lang ang timbang noong ako ay bata pa, sa ngayon ay kinakailangan ko pa ring kumain ng bande-bandehadong kanin at pagkain upang hindi ako madehado sa timbang, dahil lumalaban na ako sa 147-pound division na kung tutuusin ay medyo mataas na para sa akin.

Kaya ko pa ring lumaban sa 130-pound division pero talagang magiging pahirapan na ang labanan. Nang makuha ko ang 135-pound title, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagpapasuko kay Oscar “Golden Boy” Dela Hoya sa 147-pounds, at ang pagkuha sa korona sa 140-pound weight class kontra kay Ricky Hatton. Kasama na diyan ang pagpapanalo natin kontra kay Miguel Cotto, ang dating kampeon ng mga welterweight.

Sa gitna ng lahat, ang Diyos na Makapangyarihan ang palaging gumagabay sa atin at ang bawat dasal at suporta ng lahat ng mga naniniwala sa aking kakayahan ang pinagmumulan ng aking lakas. Maraming salamat sa inyong lahat, kasama na ang mga taong nagmamahal sa akin. Gaya ng dati, pag-iibayuhin ko pa rin ang paghahanda at sa aking pakiramdam ngayon, parang ngayon pa lang ako nagsisimula dahil marami pa pala akong dapat matutunan. Sa paglalakbay natin, sana, sama-sama tayong lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

article source: PhilBoxing

Thursday, January 21, 2010

MANNY PACQUIAO's Kumbinasyon Column: RESPECT FOR JOSHUA CLOTTEY

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao

Respeto kay Clottey



PhilBoxing.com
21 Jan 2010

NEW YORK -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga tagasubaybay, kaibigan, fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin.

Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na magsisimula nang mag-ensayong muli.

Sa oras na binabasa niyo ito ay kararating lamang namin at malugod akong bumabati sa inyo mula pa sa New York matapos ang aming press conference sa Dallas, Texas, kung saan kami nagkaharap sa unang pagkakataon ni Ginoong Joshua Clottey.

Naririto kami sa New York upang dito naman ipag-ingay ang aming laban, ang ‘The Event’ na gaganapin sa Marso 13 sa Dallas Cowboys Stadium.

Sa aming unang paghaharap ni Ginoong Clottey, ako’y lubos na humahanga sa kanya, dahil sa walang maanghang na salita siyang binitiwan, bagkus ay puro pasasalamat sa pagkakataong kami’y magkakaharap. Ako man ay ganoon rin sa kanya. Kahit naman sa iba ko pang nakaharap sa ibabaw ng ring, hindi ako nagsalita ng hindi maganda, kahit ilan sa aking mga nakaharap ay maraming salitang hindi maganda sa pandinig ang binibitiwan laban sa akin.

Ganyan ang tunay na boksingero, hindi madaldal. Alam ni Ginoong Clottey kung papaanong rumespeto at diyan ako hanga sa kanya.

Sino si Joshua Clottey? Isa siyang taga-Ghana, Africa na ngayon ay nakabase na sa New York. Masasabi nating hindi siya basta-basta boksingero, dahil maganda rin ang kanyang ring record na 35 win, 3 losses at 20 ang kanyang knockout.

Saksi ako nang kanyang harapin si Miguel Cotto noong Hunyo 2009. Nasaksihan ko kung papaanong nakipagsabayan si Ginoong Clottey sa kalaban mula sa Puerto Rico.

Sa tingin ko pa nga, close ang labang iyon at puwede ring si Ginoong Clottey ang nanalo.

Ganyan din ang dapat kong asahan sa laban namin sa Marso 13. Naniniwala akong isa siyang mapanganib na kalaban. Bukod pa riyan, hindi pa nakakatikim ng knockout sa kanyang boxing career.

“Malaki sa akin, mas matangkad pa at may lakas. “I will not be over confident because Clottey is a good, strong fighter.”

Pagbalik namin sa Los Angeles, agad akong sasalang sa isa na namang pahirapang paghahanda, sa ilalim ng aking coaching staff sa pangunguna ni coach Freddie Roach, upang masimulan ang pitong linggong ensayo para kay Clottey. Kasama na rito ang pag-jogging sa umaga, na napakahalaga sa isang boksingerong naghahanda sa isang laban.

Sa labang ito, muli kong hihilingin sa inyong lahat ang suportang lagi na ninyong ipinagkakaloob sa akin. Dahil hindi lamang ito laban ng isang tao, kundi ng buong bayan. Ang tagumpay ko ay tagumpay nating mga Pilipino.

Samahan ninyo akong muli sa pagharap sa hamon ng isa na namang nais sumubok sa aking kakayahan at sana sa bandang huli’y sama-sama tayo sa isang tagumpay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless us all!

article source: http://philboxing.com/news/columns.php?aid=1130&id=33211

Friday, January 15, 2010

MANNY PACQUIAO's Kumbinasyon Column: Guilty Unless Proven Innocent

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao

Guilty Unless Proven Innocent

PhilBoxing.com
15 Jan 2010



MANILA — Magandang araw sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay, mga fans at sa milyun-milyon kong kababayan sa buong mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang linkod. Kung ako ang inyong tatanungin, mabuting-mabuti naman po ako sa umpisa ng bagong taon na 2010 habang naghahanda na ako patungo sa America para lumaban muli, kontra sa Afrikanong si Joshua Clottey.

Kagagaling ko lang sa Davao City kamakalawa sa magandang isla ng Samal at doon kami nagbakasyon ng aking pamilya upang i-celebrate ang kaarawan ng aking mahal na asawa na si Jinkee. Sa loob ng tatlong araw, nagawa ko ring makapag-relax at makapagpondo ng lakas para sa pagpasok ng maraming bakbakan sa loob at labas ng ring na mangyayari sa taong ito.

Opo, ako, kasama ng aking team ay uusad na at hindi magpapa-hostage sa mga mabababaw na usapin at akusasyon tungkol sa paggamit ko diumano ng steroids at ang performance enhancing drugs. Sinampahan namin ng kasong defamation ang mga sumira sa aking magandang reputasyon at imahe at inaasahan kong magbabayad ng mahal ang mga naglapastangan at umabuso sa mga karapatan sa pananalita lalung-lalo na kung walang basehan ito.

Dahil nakasampa na ang kaso sa hukuman sa Las Vegas, ako ay hindi na magbibigay ng komento o pananaw sa kaso dahil ipinagbawal na sa akin, kasama ang mga miyembro ng team, na magbigay ng kahit na anong statement. Tiwala ako na ang hustisya ay hindi natutulog, gaya ng Mahabaging Diyos na siyang pinagmumulan ng aking lakas at tapang.

Ngunit nitong linggo lamang, dumating na naman sa aking pansin ang isang balita na mayroon daw miyembro ng aking team na sumubok kumausap sa kabilang kampo sa pamamagitan ng email at binigyan pa ng malisya ang kasinungalingang ito. Tinutukoy ko ay ang lumabas na isyu sa higenteng network na ESPN “Friday Night Fights” na kinasasangkutan ni Teddy Atlas. Hindi ko na sana papansinin ito ngunit hindi ko masisikmura na ginagamit sa maling pamamaraan ang masagwang uri ng pamamahayag. Irresponsible journalism by irresponsible people can not be tolerated.

Tinanong ko na ang mga miyembro ng aking team kung sino sa kanila ang gumawa o sumulat ng liham, na diumano ay pinanghahawakan nina Atlas at isa pang manunulat, si Tim Smith ng New York Daily News na nagpakalat ng malisyosong tsismis na ito. Tiyak kong wala sa aking koponan ang gumawa nito at marahil ay imbento lang nila ito o gawa-gawa lang ng isang may malikot na isip at maitim na budhi. Sino? Wala akong kinalaman diyan. Hindi ba nila naisip na kahit sino ay pwedeng gumawa ng isang email address at gamitin ito sa pagpapanggap, lalo na sa paninira ng puri ng isang tao?

Nakakalungkot kasi dahil sa uri ng journalism ngayon, malaya ang ilan na gumawa at magsalita ng mga bagay na walang basehan, sa America pa man din. Sabi ni Atlas, matindi raw ang hawak niyang ebidensiya. Uso na rin ang maghusga bago subukang tanungin muna ang mga kasangkot para naman sana, makapagbigay din ng opinyon o posisyon ang taong maaapektuhan sa mga kasinungalingang ito. Para naman sana “fair” at parehas ang laban. Yes, I am saddened that many have crucified me “guilty” unless I prove myself innocent of all these accusations. Hindi ba dapat, kabaliktaran? Ngayon, hinahamon ko sila Smith at Atlas, kasama na rin ang ESPN, na ilabas nila ang mabaho nilang ebidensiya, para na rin sa hustisya, kung may respeto pa sila sa kanilang mga sarili at kung may tunay silang professional etiquette. Dahil kung hindi, habambuhay ko silang tatawaging sinungaling.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

article source: http://philboxing.com/news/columns.php?aid=1130&id=32864

Sunday, October 19, 2008

MANNY PACQUIAO & His 2nd Dad FREDDIE ROACH - Inseparable Duo

Freddie Roach calls Manny 'son' or sometimes just plain Manny. Manny calls Freddie 'coach' which Manny felt is more than just a coach. Manny Pacquiao considers his trainer and friend as his second dad.

Freddie Roach was a professional boxer in the late 1970s. The celebrated trainer also has Parkinson disease, the same nerve illness that inflicted Muhammad Ali. Despite Parkinson disease, Freddie Roach indirectly competes in boxing inside the ring thru the fists of Manny Pacquiao. Roach achieves his goals thru his ward Manny. Manny Pacquiao and Freddie Roach are inseparable, what would Manny be without Freddie Roach or vice versa.

I wish some movie producer would produce a movie centering on the relationship of Manny Pacquiao and Freddie Roach, that would be an interesting movie specially for Pacman fans. HBO should be enlighten for this prospect of a movie.

Photobucket
My brother Darwin had a photo-op with Freddie Roach in Las Vegas last March 2008 (Pacquiao vs. Marquez II), my brother told me that Freddie Roach's hand was trembling while autograph-signing my brother's boxing glove.


"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


PATOK ANG MAKABAGONG PAGSASANAY

PhilBoxing.com
19 Oct 2008



LOS ANGELES — Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako ang inyong tatanungin, ang physical condition natin ay paganda nang paganda patungo sa pinakamalaking araw ng aking boxing career—ang Dec. 6 na sagupaan namin ni Oscar Dela Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Sa araw ng Sabado, gaganapin na ang pangatlong araw ng sparring at madadagdagan na ang eight rounds ng sparring na aking naitala mula noong magsimula kami noong Martes at Huwebes kontra sa dalawang magkaibang sparring partners.

Patindi na nang patindi ang training dahil hindi basta-basta ang mga ka-spar ko. Unang-una, kailangan kong makaharap ang mga sparring partner na kasing-taas at laki ni Dela Hoya, na may malaking bentahe sa pangangatawan.

Dahil sa ito ang pinaka-importanteng laban ng aking buhay, ginagawa namin ang lahat ng tamang pamamaraan upang makuha ang pinakamagandang kundisyon ng aking career. Sa pangunguna ni coach Freddie Roach, marami kaming mga bagong techniques na ginagawa sa paghahanda. Bagong bili ang mitts na gamit ni coach Freddie, na tinuturing kong pangalawang ama ko na. Mula nang nag-umpisa ako sa boxing, si Ginoong Roach ang gumabay sa akin at naghasa ng kung anumang talentong taglay ko. Ilang beses ko nang sinabi ito at gusto kong ulitin: Hindi ako magpapalit ng trainer hanggang sa ako ay mag-retire sa larangang ito.

Lubos ang aking tiwala kay "coach" at mahaba na rin ang aming pinagsamahan. Kapwa namin nirerespeto ang isa't-isa bilang mga propesyonal na koponan at kahit na alam niya na ang trato ko sa kanya ay parang tatay na rin, hindi pa rin siya tumatawid sa pagitan ng pagiging coach at kaibigan ko.

Naririyan din ang mga makabagong pagsasanay na sikreto naming ginagawa sa kabilang kwarto ng Wild Card gym kasama ang aking conditioning coach na si Alex Ariza. Unang-una, kahit na Latino si Alex, siya ay naging malapit na sa akin at buo ang tiwala ko sa kanya. Dagdag pa nito, alam ko rin, dahil marami ang nagsasabi sa akin na mga Latino o Mexicano, na pinipili nila ako na magwawagi higit pa kay Dela Hoya sa labanang ito.

Tinatawag na makabagong plyometrics ang ginagawa namin sa gym. Dahil sa siyensiya, hindi kinakailangan na palakihin ang buo kong katawan upang makuha ko ang lakas at mas mabigat na mga suntok. Alam namin na ang aking bilis ang siyang pinakamalaking behtahe sa laban kaya masusing tinutuunan ng pansin na hindi mawawala ang advantage na ito.

Nararamdaman ko na gumaganda ang aking pangangatawan at lumalaki na ng kaunti ang ibang parte ng aking katawan at bisig, isang bagay na ikinakatuwa ko.

So far, so good. Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang sinimulan natin.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

source: Philboxing.com

Thursday, October 16, 2008

MANNY PACQUIAO On First Day of Sparring with a Super Welterweight Rashad Holloway

What I really like about Manny Pacquiao is his sincerity to help the poor in the Philippines, and not only that, he sees in each of his fights as a fight of the Philippines as a whole.

On his first sparring day with a Super Welterweight Rashad Halloway last Tuesday October 14, 2008, he proved that he can take a punch in stride from a Super Welterweight guy and give a punch that can be felt by the bigger guy.

In his article of today's Kumbinasyon column, he also considers the huge impact that the fight would bring to the Philippines' economy if he wins against the much bigger Oscar De la Hoya. He thinks of the Philippines for the betterment as well unlike some know-it-all politicians who thinks of themselves first and even ride on his popularity even without a glimpse of knowledge on boxing...wala sa laki yan mga repapips.



"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao

BAKBAKAN, PAINIT NA NANG PAINIT!

PhilBoxing.com
16 Oct 2008



LOS ANGELES — Habang lumalamig po dito sa Los Angeles, siya namang painit nang panit sa loob ng Wild Card gym ni coach Freddie Roach para sa paghahanda nating lahat sa laban kontra kay Oscar Dela Hoya.

Hindi natin mamamalayan at ilang tulog na lang ang December 6 na siyang araw ng sagupaan namin ni Golden Boy sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, na siya ring lugar kung saan ako unang nagpakitang-gilas dito sa America.

Martes ng tanghali, ako po ay nagsimula nang mag-spar. Apat na rounds ang aking tinapos sa araw na ito at ayon sa aking training team ay maganda naman daw ang aking ikinilos.

Nakaharap ko ang isang sumisibol na boksingero na si Rashad Holloway para sa unang araw ko ng sparring. Gaya ni Oscar Dela Hoya, matangkad at mas malaki si Holloway pero nakapagbigay naman tayo ng isang magandang performance kahit na malaki ang kaniyang kalamangan sa pangangatawan.

Alam ko pong marami pang bagay ang mangyayari sa training at mahaba pa ang pagsisikap natin upang maabot nating lahat ang pinakamatayog na pangarap sa larangan ng sports ng boxing. Sa tingin ko, kung maipapanalo natin ang laban na ito, mas malaking impact nito sa ikauunlad ng bayan gaya ng mga nangyayari sa mga bansang nagpapanalo ng World Cup soccer.

I will not let my fellow Filipinos down come fight time kaya naman puspusan po ang training ko sa gym. Araw-araw din ang pagtakbo ko sa patag upang ma-develop ang aking speed at umpisa sa Miyerkules ng linggo ring ito ay aakyat na rin kami sa Griffith Park kung saan makikita ang malaking HOLLYWOOD sign sa Hollywood. Sa bundok ng Hollywood ko palalakasin ang aking baga at paa upang hindi ako mahapo sa araw na ng boksing at lalong gaganda ang ating tsansa na maipanalo ang pinakamalaking laban ng ating buhay.

Sinabi ko po sa inyo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mapaghandaan ng husto si Ginoong Dela Hoya. Sa isang sikretong lugar sa Wild Card, ginagawa rin namin ang mga pagsasanay na siyang magbibigay sa akin ng panibagong lakas at bilis kahit na magpapalaki tayo ng katawan.

Huwag po kayong mabahala, basta ipagpatuloy lang po nating lahat ang sabay-sabay na pagpapanalangin natin sa isa't isa upang lahat tayo ay mailayo sa kapahamakan o sakuna. Wala po akong takot sa mga mas malalaking kalaban at hindi ko uurungan ang ano mang pagsubok.

Marami pang rounds ng sparring ang aking kukumpletuhin at mahaba-haba pa ang ating lalakbayin. Ang tibay lang ng ating pananalig sa Diyos ang siyang ating sandigan sa mga sandaling ito.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

source: Philboxing.com

Thursday, September 18, 2008

MANNY PACQUIAO is Dead Serious on His Training for the Oscar De la Hoya "The DREAM MATCH" - Avoids Fans & Friends with Viral Flu

Even the Pacman isn't invincible when it comes to the viral flu. He said he is appealing to his friends and fans not to come near him if they have coughs and colds for it may transmit to him thus jeopardizing his chances of beating the Golden Boy. It only goes to show that the Pacman, Manny Pacquiao is indeed dead serious on his training for his upcoming and most important fight on December 6, 2008 against the popular boxer in current times, Oscar 'The Golden Boy' De la Hoya.

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao

BAWAL MAGKASAKIT

PhilBoxing.com
18 Sep 2008



LOS ANGELES — Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon saan mang panig ng mundo. Kadalasan ay sinasabi kong ako ay nasa mabuting kalagayan pero ngayon po, medyo tinamaan ako ng kaunting sipon, isang bagay na hindi ninyo dapat ipagkabahala.

Dumating po ako dito sa Los Angeles noong Linggo kasama ang aking mga pinagkakatiwalaang mga tinyente na sila Atty. Franklin "Jeng" Gacal Jr., Raides "Nonoy" Neri, at ang magkapatid na sila Boboy at Roger Fernandez galing ng Manila.

Sa airport pa lang, mainit na akong sinalubong ng aking mga fans at mga kaibigan. Hanggang sa aking apartment sa Los Angeles, tuloy pa rin ang pagdating ng sari-saring mga taga-suporta hanggang sa dinapuan na ako ng kaunting karamdaman.
Kasama na rin siguro ng jet lag at kawalan ng sapat na tulog, ang pabago-bagong temperatura at ang pagkalat ng virus sa tinatawag na flu season, kaya ako nagkasakit. Pati si Boboy ay tinamaan na rin yata ng sipon. Medyo may mga napansin akong mga bumisita sa akin may mga sipon pero hindi naman ako nababahala.
Masaya ako na makita ang marami sa aking mga fans at kaibigan at nitong nagdaang mga dalawang araw, ako ay nakapag-relax na ng kaunti sa paglalaro ng darts at golf.

Buti na lang at malayo pa ang laban, kung hindi, baka medyo ako po ay mag-aalala pa. Sa aking experience, mas mabuti pang magkasakit na ngayon kaysa sa tamaan ako ng karamdaman sa paglapit na ng laban. Blessing na rin ito dahil mahaba pa ang aking pagpapahinga. Kung minsan, kailangan nating pakinggan ang tinig ng Diyos na nagsasabi na kailangan nating pangalagaan ang ating katawan, huwag aabusuhin ito at medyo maghinay-hinay ng kaunti sa mga gawain.



Dapat po sana ay lilipad kami ng Martes ng hapon patungong Las Vegas, upang makipagkita sa aking promoter na si Bob Arum na binigyan parangal ng araw ring iyon pero dahil sa aking kalagayan, minabuti kong huwag na lang muna tumuloy. Minabuti kong magpahinga na lang at kumpletuhin ang tulog bago ko rin simulan ang pagsabak sa training.

Sa mga panahong ganito kung saan ako ay may kaunting karamdaman, ipinapaalala sa akin na hindi ako si Superman. Tinatablan din ako ng sakit at iyan ay dapat na mag-ingat lalung-lalo na sa paglapit ng laban. Siguro, medyo kailangan na ring umiwas sa maraming mga tao upang hindi makasagap ng virus.
Inuulit ko po ang panawagan sa aking mga fans at kaibigan na kung may mga nararamdaman na silang hindi maganda gaya ng sipon at ubo, sana naman ay ibahin na nila ang petsa ng kanilang pagbisita sa akin. Itong laban na ito ang pinakamatinding pagsubok sa aking career at hindi po biro ang makakalaban ko—si Oscar Dela Hoya, ang Golden Boy ng boxing.

Hinihiling ko pa rin na sana ay magkaisa tayong lahat sa laban na ito at ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa isa't-isa upang sa huli, tayo ay magwawagi.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Philboxing.com

Sunday, August 10, 2008

MANNY PACQUIAO's Own Experience as Philippine Flag-bearer at the Beijing 2008 Olympics in 'Kumbinasyon' - Plus Video & Pics

Here's an article that was written by Manny Pacquiao himself (written in Tagalog) on his amazing experience as Philippine flag-bearer and his meeting with Kobe Bryant,Jason Kidd and Lebron James.

*************************


"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao

GREATEST SHOW ON EARTH

PhilBoxing.com
10 Aug 2008


Photobucket
Fireworks explode over the National Stadium, known as the Bird's Nest at right and the Water Cube National Aquatic Center at left during the opening ceremony of the 2008 Beijing Olympics in Beijing, China Friday, Aug 8, 2008.

BEIJING — Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at gusto ko kayong batiin ng isang mainit na "ni hao," ang Chinese translation ng hello.

Sa kasalukuyan, ako po ay nasa Beijing, China at dumalo ako sa pagbubukas ng Olympics, ang pinakamalaking sports event sa buong mundo. Sa totoo lang po, kahit na sanay na ako na nagtatanghal sa itaas ng ring, ang experience na ito ay walang kaparis dahil napasama ako sa pinakamagagaling na atleta ng planeta. Tumatayo ang aking balahibo habang tangan ko ang flag ng Philippines at buong sigla ko itong iwinawagayway gaya ng ilang beses ko nang ginagawa kapag ako ay lumalaban at nananalo.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang saya at pagkamangha na aking nadarama kahit na hindi ako kasali sa Olympics. Isa talagang malaking karangalan ito para sa akin at sa aking pamilya.

Siguro nga, hindi ko kapalaran ang mapasali sa Olympics noong ako ay nag-uumpisa pa lang sa boxing. Pero dahil na rin sa aking pagpupursigi na gumaling at magwagi bilang isang professional boxer, kaya ako naging kampeon. Gaya rin siguro ng magiting na alamat ng boxing na si Alexis Arguello na humawak ng flag ng Nicaragua, ako ay napili dahil na rin sa aking mga nakamit na karangalan para sa bansa.

Nalaman ko na may 1.3 billion na katao pala dito sa China at ang marinig ang sabay-sabay na tambol ng 2,008 katao o ang makita ang ganda ng 2,008 kataong sumasayaw ng tai chi na sabay-sabay ay isang experience na hindi ko makakalimutan. Sabi nila, mahigit na 15,000 katao ang lumahok sa opening ceremonies at ang bawat dance number ay nilahukan ng 2,008 na miyembro.

Nabusog ang aking gunita sa lahat ng aking nakita, at alam kong lahat ng naririto ay mga kampeon sa kani-kanilang bansa. Alam ko rin na iba-iba ang pansariling disiplina ng bawat kasapi rito at ang paghahanda at paghahangad na makamit ang ginto ay may iba't-ibang kahulugan at pamamaraan.

Ang pagsuot ko ng Barong Tagalog ay nagbigay sa akin ng panibagong kahulugan ng salitang kagitingan dahil alam ko, marami sa mga atleta na naririto ay lumalaban para sa dangal ng kanilang bansa. Gaya ng atletang si Kobe Bryant ng basketbol, na kumikita ng milyones, siya ay nagsasakripisyo na maitayo ang bandila ng USA na walang bayad para lamang makamit ang ginto.

Hindi ko inaasahan na mainit at maalinsangan dito sa Beijing, pero mas mainit na experience ang makita ang mga kapwa ko atleta. May picture nga kami nila Bryant, Lebron James, Jason Kidd at marami pang mga athletes na nakakilala sa akin. Masarap na mapabilang sa hanay ng mga athletes na alam ang sakit at sakripisyo na dinaranas sa sports.

Para sa mga kapwa ko atletang Pinoy gaya nila Henry Dagmil at Marestela Torres (athletics), Mark Javier (archery), Harry Tañamor (boxing), Sheila Mae Perez at Ryan Fabriga (diving), Eric Ang (shooting), Miguel Molina, James Walsh, Daniel Coakley, Ryan Arabejo at Christel Simms (swimming), Marie Antoinette Rivero at Tshomlee Go (taekwondo) at si Hidilyn Diaz (weightlifting), good luck and bring home the gold.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Photobucket


Photobucket


article source : Philboxing.Com

Trivia: The Philippines is not the only country with a non-participant flag bearer in the 2008 Beijing Games. Marshall Islands’ Waylon Muller, Djibouti’s Salah Houssein Ahmed and Ethiopia’s Miruts Yifter joined Manny Pacquiao as flag bearers of their respective countries in the opening ceremony.


Video of Manny Pacquiao carrying the Philippine flag at the Beijing 2008 Olympics opening ceremony with 15-man Team Philippines.

Thursday, July 3, 2008

MANNY PACQUIAO's "KUMBINASYON" Column : SALAMAT SA INYONG DASAL AT SUPORTA (PhilBoxing.Com)

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao





SALAMAT SA INYONG DASAL AT SUPORTA

PhilBoxing.com
03 Jul 2008







LOS ANGELES, Ca. -- Magandang araw po sa inyong lahat. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.

By the time na lumabas ang kolum ko na ito sa Abante at sa internet, marahil ay nasa himpapawid na po ako, kasama ang aking asawang si Jinkee at ang buong Team Pacquiao pabalik ng Pilipinas.

Wala po akong kasing-saya sa naging tagumpay ko noong Sabado ng gabi sa Las Vegas, nang aking talunin si David Diaz.

Dahil po sa tagumpay na iyon ay nalagay na naman ang ating bansang Pilipinas sa kasaysayan - sa pamamagitan po ng pag-agaw ko ng WBC lightweight crown, para maging first Filipino boxer to win the coveted title, and most of all, the very first boxer from Asia to have won four titles in four different divisions.

Alam kong napakasaya ng bawat Filipino sa naging tagumpay ko. Tulad po ng lagi kong sinasabi, ang tagumpay ko’y tagumpay ng sambayanang Pinoy. Kayo po, aking mga kababayan ang inspirasyon ko sa bawat laban, maliban sa aking pamilya at mahal sa buhay.
Hiniling ko sa inyo ang ako’y ipagdasal sa laban ko kay Diaz at iyon po ay ibinigay ninyo sa akin. Kaya naman, nagpapasalamat po ako ng lubos sa suportang inyong ibinibigay sa akin. At huwag po sana kayong magsasawang sumuporta sa mga darating ko pang laban.

Tunay pong ang bawat pagsubok at hamon ng buhay ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap para malampasan. Ganyan po ang aking ginawa.

Hindi po ako nakuntento sa kung ano ang taglay ko na bilang isang boksingero. Kaya po, pinaunlad pa namin ng aking coaching staff ang iba ko pong arsenal gaya ng aking kanan.

Naging epektibo po ang aking kanan sa laban namin ni David, bagay na hinulaan kong hindi niya inasahan.

Dahil hindi po ako nag-kumpiyansa sa laban, sa unang round pa lamang ay ako na ang umatake. Hindi ko ibig na bigyan ng pagkakataon si David na makapagbitiw ng suntok sa akin, dahil alam kong may taglay din siyang lakas.

Nasunod din po ang fight plan namin, at iyon nga po ang gamitin ng madalas ang kanan, at kailangang ako ang magdala ng laban.
At sa tulong ng inyong dasal, nakuha po natin ang isa na namang tagumpay.

Natutuwa po ako na kahit papaano ay nakapagdulot ako ng kasiyahan sa aking mga kababayan. Lalo na sa panahong ang mga kababayan natin ay dumadanas ng kalungkutan dahil sa pag-atake ng bagyong ‘Frank,’ gayundin ang trahedya ng paglubog ng barko na MV Princess of the Stars.

Kahit man lang bahagya ay nakapagdulot ako ng kasiyahan at nabawasan ang kalungkutan ng ating mga kababayan.

Lagi ko nga rin pong sinasabi, na kung maaari lamang akong lumaban araw-araw para magkaisa tayong lahat, o makabawas ako ng problema ng ating mga kababayan ay aking gagawin.

Sa araw ng Biyernes ay nariyan na po ako sa Pilipinas. Nais kong makapag-enjoy at bigyan ng oras ang aking pamilya, lalo na ang aking tatlong anak - Jimuel, Michael at Princess - na na-miss ko ng halos dalawang buwan.

Pagtuunan ko rin ng pansin ang pagpunta sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, para makita kung paano tayo makatulong.
Habang nasa Pilipinas ako at nagpapahinga, ipaubaya ko naman sa aking promoter ang sunod ko na laban at malalaman din po nyo dito sa kolum ang bagay na iyan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all!

article source: PhilBoxing.Com
Moymoy Palaboy & Roadfill with an appearance of Pinoy Biscuit Blogger DCRJ (Dr. Dan C. Rivera, Jr.) in the music video 'Rugby Boy' from the moymoypalaboy 'Uploaded' Album CD/DVD
Moymoy Palaboy & Roadfill at DCRJ's clinic January 30, 2009

Related Posts by DCRJ: