Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago!
Lumingon sa ‘yong pa ligid
Buksan ang mata’t isip
At iyong makikita
Kay daming batang lansangan
Bahay na nagsisiksikan
‘Di tiyak ang kinabukasan
Bakit mayayaman lang
ang lalong yumayaman
At ang karamihan
Labis ang kahirapan
Dapat na tayong lumaya sa kawalan
Iwaksi ang katiwalian
Tuloy pa rin ang laban
Tayo’y kumilos na!
Koro:
Tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago
Ngayon na, ngayon na!
Tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago
Bayan ko, ngayon na!
Tulay:
Ang pagbabagong nais mo sa ‘ting bayan
Sa sarili ay dapat nang simulan
Dapat ipakita na kaya nating mabuhay
Ng marangal, matapat, mapagmahal at mahusay
Kaya’t kumilos na!
(Ulitin ang Koro)
Rap:
Ang bawat bata’y dapat nasa eskwela
Nang kinabukasan ay mayrong pag-asa
Trabaho at bahay sa bawat Pilipino
Nang paglikas ay unti-unting mahinto
Yaman ng bayan ay dapat pakinabangan
Ng buong bayan at ‘di lang ng iilan
Dagat, bundok, gubat, ilog at kapatagan
Gawing ligtas at dapat pangalagaan
Ang hustisya ay dapat mamayani
Mayaman ka man o mahirap na uri
Utang ng bayan na baya’y ‘di nakinabang
Dapat nang putulin at huwag nang bayaran
Karapatan ay dapat nating igalang
Karahasan ay huwag pahintulutan
Digmaan ay dapat nang malunasan
Kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisa
At wastong pamamahala sa pamahalaan
(Ulitin ang Koro)
More than 500,000 Attended PRES. NOYNOY AQUINO'S Inauguration - June 30, 2010. Recorded and uploaded to YouTube by DCRJ
No comments:
Post a Comment