DCRJ's PINOY BISCUITS Channel
Moymoy Palaboy & Roadfill with an appearance of Pinoy Biscuit Blogger DCRJ (Dr. Dan C. Rivera, Jr.) in the music video 'Rugby Boy'

Sunday, December 14, 2008

MOYMOY PALABOY & ROADFILL - New Recording Artists on 'DAYO' Soundtrack - Article on PHILIPPINE PORTAL ENTERTAINMENT (PEP)

Photobucket

Humahataw ang career nina Moymoy Palaboy ngayon. Pagkatapos maging sikat at instant sensations sa YouTube ang tandem nina Moymoy Palaboy at Roadfill dahil sa kanilang nakatutuwang uploaded videos at magkaroon ng segments sa MTV at Bubble Gang, ngayon ay certified recording artists na sila.

Isa ang Moymoy Palaboy sa featured artists sa soundtrack album ng Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, ang full-length digital animated movie na entry ng Cutting Edge Productions sa 2008 Metro Manila Film Festival. Ang kanilang kantang "Kapit"—na may music video sa CD produced by Cutting Edge released by Sony-BMG Music—ay tungkol sa pagkakaibigan.

Photobucket

Bukod sa kanta ng Moymoy Palaboy, kasama rin sa Dayo album na may music video din ang theme song na "Lipad," na inawit ng international star na si Lea Salonga with the Filharmonika as conducted by Gerard Salonga, at ang rock version ng "Lipad" by Roots of Nature. Ang iba pang tracks sa Dayo soundtrack ay "Daybreak" by Juan Lunar, ""Kasalo at Kasuyo" by Noel Cabangon, at ""Pang-surprise" by Jay Durias. Nasa naturang soundtrack album din ang original music score ng Dayo, kabilang na ang "Elementalia" performed by Joey Ayala.

BROTHERS IN REAL LIFE. Collectively, ang tawag sa tandem nila ay Moymoy Palaboy. Pero dalawa talaga sila—sina Moymoy Palaboy at Roadfill. Ang tandem na ito ay binubuo ng magkapatid sa totoong buhay na sina James Obeso, 25 years old, at Rodfil Obeso, 23.

Na-interview sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 11, sa Ratsky Bar and Restaurant sa Tomas Morato Quezon City, during the launching of Dayo soundtrack album; kasabay ng presscon para sa voice talents ng mga natatanging karakter sa Dayo na kinabibilangan nina Nash Aguas, Katrina Legaspi, Nova Villa, Pocholo Gonzales, at Peque Gallaga.

Ano ang feeling na recording artists na sila?

"Hindi nga namin alam recording artists na kam, e," pakengkoy na sabi ni Moymoy Palaboy gamit ang ibang boses.

Naitanong tuloy ng PEP kung bakit kailangang ibahin nila ang kanilang boses gayung totoong boses nila ang ginamit nila sa recording ng "Kapit."

"Sa ngayon po, ganun muna ang ginagawa namin dahil nga sa Bubble Gang ay iba't ibang boses at kanta ang nili-lip sync namin. Pero darating din po ang time na gagamitin din namin ang totoong boses namin," paliwanag ni Roadfill.

Hindi ba sila nanibago dahil sa mga videos nila ay nagli-lyp sync lang sila, pero ngayon ay totoong boses na nila ang ginamit nila?

"Hindi naman. Explore lang," sagot ni Roadfill.

Sinabi ba sa kanila ng producers ng Dayo na gamitin nila ang totoong boses nila?

"Kasi nakita nila kaming kumakanta. Sabi nila, ‘Sige nga i-try natin, kumakanta pala kayo.' So, ayun, nag-recording nga kami tapos may music video pa," pahayag ni Moymoy.



YOUTUBE SENSATIONS. Ine-expect ba na nila na dumating ang ganitong opportunity sa kanila?

"Hindi, trip-trip lang naman yung ginawa namin sa YouTube, e," sabi ni Moymoy.

Ayon kay Roadfill, sabit lang naman daw siya at si Moymoy ang talagang may pakana ng kanilang videos sa YouTube.

"Pareho po kaming may account sa YouTube, pero mas nakilala nga po yung Moymoy Palaboy," ani Roadfill.

Natawa ang dalawa nang tanungin ng PEP kung sino na ang mas mayaman sa kanila.

"Hindi naman po mayaman, kumikita lang," sabi ni Moymoy. "At saka pantay lang po kami ng kinikita. Kung tutuusin nga, sa dami ng hits ng videos namin, kung piso kada isang hit, milyonaryo na siguro kami ngayon!"

Ayon kay Moymoy, sa lahat ng videos na kanilang in-upload, pinakamaraming hits ang "Marimar" video nila. "Tinalo ng ‘Marimar' yung ‘Wannabe' ng Spice Girls. Yung 'Marimar' nasa 4.1 million hits na!" aniya.



Kailan ba sila nasimula sa YouTube?

Kuwento ni Moymoy, "Last year lang. Nag-start kami ako lang muna, solo lang. Si Roadfill yung taga-video. Sa account niya nag-hit, e. Sa akin mahina, siguro nasa 100 thousand lang. Sa kanya nasa 400 thousand. Pero yung first na nagsama kami, yung sa Black Eyed Peas, yung ‘Pump It.'"

So, kailan nila ginawa yung Marimar?

Ani Moymoy, "Yung 'Marimar,' nung pagpasok namin ng Bubble Gang. Yung 'Marimar,' matindi ang hits. Kasi four months lang siya, e, pero nag-number one siya sa account ko."

So, sa tingin nila nakatulong yung kasikatan ng Marimar with Marian Rivera sa pagdami ng hits ng video na ginawa nila?

"Oo, sikat na sikat noon ang Marimar, e," pagsang-ayon ni Roadfill.

Na-meet na ba nila si Marian Rivera?

"Hindi pa nga, e. Pero may ginawa kaming video na kasama ng mga artista—‘Moymoy Palaboy All Stars.' Nandun sina P-chi [Rufa Mae Quinto], Mo [Twister], Goma [Richard Gomez], Dabarkads Jose [Manalo] and Wally [Bayola], Arnel Pineda, Michael V., marami pa," sabi ni Moymoy.

Biglang singit ni Roadfill, "Kaso ni-reject ng YouTube. Kasi yung may-ari ng song na ‘When I Grow Up,' yung Pussycat Dolls, parang hindi pumayag na ipagamit. Hindi naman namin pinagkakitaan, e. Pero nasa Multiply account namin."

Hindi ba nila naisip na gumawa ng compilation album or DVD ng mga videos nila?

"Naisip na rin namin," sabi ni Moymoy. "Eto ang matindi, yung YouTube videos namin, nasa Quiapo na, sa Divisoria, sa bangketa! Naunahan na kami ng mga pirata, e. Balak ko nga pumunta doon e. Sabihin ko 50-50 tayo. Biruin mo yun, sila lang ang kumikita!" biro ni Moymoy.

KAPUSO TALENTS. Regular talent na ba sila ng GMA-7?

"A, kasalukuyan pong ginagawa yung kontrata. Per show pa lang po kami sa GMA. Sa ngayon po, MTV ang nagma-manage sa amin. Nagkaroon po kami ng segment sa MTV, yung Campus Crashers, nagpupunta po kami sa iba't ibang campus. Ngayon, gumagawa rin kami ng tipong short films lang sa MTV. Trip-trip lang. Yung inilalabas bago mag-commercial," lahad ni Moymoy.



Pero hindi na ba sila puwedeng lumabas sa ibang istasyon?

"Wala pa namang ganung restriction. Pero susundin namin kung ano ang sasabihin ng GMA. Sa GMA po kami loyal ngayon," ani Moymoy.

Siyempre, kumikita na sila ngayon, ano na ang mga nabili nila para sa mga sarili nila?

"Wala. Ipon muna kami. Kasi hindi rin namin alam ito, e, kung magtutuluy-tuloy. Pero sana magtuluy-tuloy."

Pero okay naman ba ang ibinibigay na talent fee sa kanila ng GMA-7?

"Okay naman. Worth it. Malaking tulong."

Okay naman bang katrabaho yung mga artista sa Bubble Gang?

"Okay naman. Mababait silang lahat."

Pero sino yung talagang kasundo nila sa Bubble Gang?

"Si Bitoy [Michael V.], si Ogie da Pogi [Ogie Alcasid], si Tonio [Antonio Aquitania], si Dos [Boy 2 Quizon], si Papa Wendell [Ramos]," ani Roadfill.

Nabanggit pa ni Moymoy na noong una raw nilang sabak sa Bubble Gang ay si Marky Cielo pa ang guest. Nalungkot nga raw sila nang makatanggap sila ng text tungkol sa pagkamatay ni Marky.

"Mabait si Marky. Nagbi-Bisaya nga kami ng nanay niya, e, kasi sa Cebu kami. Sabi pa ng nanay niya, ‘Yang si Marky ang nagsasabi sa amin kung may bago kayong video sa YouTube.' Pati yung kapatid niya," kuwento ni Moymoy.

NO CHANGE. May nabago ba sa kanila ngayong sumikat na sila?

"Wala," sagot ni Moymoy. "Kung ano kami dati, ganun pa rin kami ngayon. Basta kami masaya lang kami sa ginagawa namin. Nagkataon lang ngayon na media na, TV na. Pero natural pa rin, tambay pa rin ako sa kanto. Nakahubad pa rin ako sa kanto namin. Nagugulat nga sila. Sasabihin nila, ‘Di ba, si Moymoy Palaboy ka? Ba't nakahubad ka?'"

Proud ba ang parents nila dahil sa kanilang kasikatan ngayon?

"Wala na po kaming parents. Palaboy nga po kami," pabirong sabi ni Moymoy.

Dagdag niya, "Sa tita lang namin kami nakatira."

Ano ang reaksiyon ng tita nila na nae-extra siya sa mga ginagawa nilang videos?

"Actually, wala siyang alam," sabi ni Moymoy. "Mahina lang kasi kapag nagre-record kami. Akala niya nag-i-Internet lang kami. Noong malaman na niya, pinapabura niya yung YouTube namin. Kasi nakakahiya raw, sabi niya. Kasi maraming nag-text sa kanya, ‘Hoy, nakita ka namin sa YouTube!' Ngayon, okay na sa kanya. Ginawan namin siya ng Friendster account!"

VIOLENT REACTIONS. Kung marami ang natutuwa sa kanila, meron na ba sila na-experience na may violent reactions sa mga ginagawa nila?

"Oo naman! Sa YouTube pa lang, sari-saring comments," ani Moymoy.

Ano yung worst comment?

"Corny... wala kayong talent. Ang pangit n'yo..." sabi ni Moymoy.

"Meron pa ngang nagmumura, e. Meron pang-gay...faggot, ganun," dagdag naman ni Roadfill. "Pero ang nakakatuwa naman, kapag may pangit na isang comment, lima hanggang sampu yung sasagot para ipagtanggol kami. Parang sila na yung nag-aaway. Minsan nga sasabihin, ‘Ang corny n'yo.' Tapos may sasagot, ‘E, di huwag kayong manood. Pinipilit ba kayong manood?'"

Ano ang message nila sa kanilang detractors?

"We love you all!" magkasabay na sabi nina Moymoy at Roadfill. - Philippine Entertainment Portal

No comments:

Moymoy Palaboy & Roadfill with an appearance of Pinoy Biscuit Blogger DCRJ (Dr. Dan C. Rivera, Jr.) in the music video 'Rugby Boy' from the moymoypalaboy 'Uploaded' Album CD/DVD
Moymoy Palaboy & Roadfill at DCRJ's clinic January 30, 2009

Related Posts by DCRJ: