DCRJ's PINOY BISCUITS Channel
Moymoy Palaboy & Roadfill with an appearance of Pinoy Biscuit Blogger DCRJ (Dr. Dan C. Rivera, Jr.) in the music video 'Rugby Boy'

Thursday, September 4, 2008

MANNY PACQUIAO's First Mission in Life - To Serve The Filipino People, Will Retire From Boxing in 2009, Will Enter Politics in 2010

Manny Pacquiao will hang his boxing gloves after 3 more fights probably in 2009 while he's at the top of his career. He doesn't want to suffer the same faith as seen with other boxers who had retired with an illness as a consequence or complications of boxing. He also wanted to spend more time with his family and finish his schooling. He also said that retiring in 2009 doesn't involve any politics which he plans to run for a political position in 2010. Here's an article written in Tagalog by Manny Pacquiao himself from Philboxing.com


"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao





PANGUNAHING MISYON SA BUHAY

PhilBoxing.com
04 Sep 2008



GENERAL SANTOS CITY — Kumusta po ulit sa lahat ng masusugid na tagasubaybay ng kolum na ito at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

Sa kalagitnaan ng buwan na ito, tutungo na ako sa America upang umpisahan na ang paghahanda sa napipintong laban namin ni Oscar Dela Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa Disyembre 6.

Alam kong marami na sa inyo ang excited na at nag-aabang sa laban na ito na may halu-halong emosyon ng pagkasabik at pangangamba. Dahil ito ang pinakamalaking laban sa aking buhay mula nang mag-umpisa akong magboksing, kailangang maging perpekto ang aking paghahanda sa aming training camp para gumanda ang ating tsansa na magwagi laban sa mas malaki at mas matangkad na kalaban.

Marami ang nagsasabi na magiging mahirap ang laban na ito at ako po ay naniniwala na walang imposible. Totoong mahirap ang laban pero sa aking pag-iisip at paniniwala at pananalig sa Diyos, magwawagi tayo sa huli.

Bukod sa taglay nating bilis at lakas, ang panalangin ng marami kong mga kababayan ang pinagmumulan ng inspirasyon at dagdag na tapang ko sa ring. Alam kong kung maipapanalo natin itong laban na ito, ito ang magdudulot sa bansang Pilipinas ng malaking karangalan at marami pang benepisyo gaya ng pagpapanalo ng mga bansa sa World Cup ng soccer at iba pang malalaking sports events sa mundo. Dahil ang buong mundo ay inaasahang manonood sa labang ito, kailangan kong sumampa sa ring na 100 percent ang kundisyon ng pangangatawan, pag-iisip at emosyon.

Nabanggit ko rin po sa media kamakailan na marahil tatlong laban na lang ang nalalabi sa aking boxing career at maaaring mag-retire na ako sa taong 2009 hindi dahil sa desisyon kong pumasok sa public service sa taong 2010.

Opo, ginamit ko ang katagang public service at iniiwasan kong usisain ang pagpasok ko sa pulitika dahil marami na ang hindi natutuwa sa pagbigkas pa lamang sa salitang politics. Sa totoo lang po, ang aking pag-retire sa 2009 ay walang koneksiyon sa aking pagpasok sa public service sa 2010.

Dahil ito ang desisyon at mungkahi ng aking pamilya at mga malalapit na kaibigan, ang pagsasabit ng aking gloves ay dahil sa gusto kong magtapos ng pag-aaral, ma-enjoy ang aking pinaghirapan sa itaas ng ring at makasama ko ng lubos ang aking pamilya at mga anak na lumalaki na.

Ninanais ko pong tapusin ang aking career na ako pa rin ay nasa mataas na antas ng respeto sa ring at magreretire na kampeon. Ayaw ko pong magtapos ang aking career na kagaya ng ibang mga boxer na naging kampeon at nauwi lang na naghihirap sa huli ng kanilang buhay. Ang iba ay nagreretire na may pinsala sa katawan at pag-iisip at walang sapat na halaga ang kapalit nito.

Bukod dito, ang pinakapangunahing misyon ng aking buhay ay ang pagtutulong sa aking mga naghihikahos na kababayan at ang pagpasok ko sa larangan ng public service ang magdudulot ng katuparan sa mithiing ito.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

No comments:

Moymoy Palaboy & Roadfill with an appearance of Pinoy Biscuit Blogger DCRJ (Dr. Dan C. Rivera, Jr.) in the music video 'Rugby Boy' from the moymoypalaboy 'Uploaded' Album CD/DVD
Moymoy Palaboy & Roadfill at DCRJ's clinic January 30, 2009

Related Posts by DCRJ: